4 yrs ago…..
Tahimik na nagsusulat ang lahat ng kaklase ko ng lecture sa mga notebook nila habang nakatingin ako sa labas ng bintana at nananaginip ng gising. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang mag lecture sa notebook kung pwede mo namang ipa photo copy nalang yung notes ng kaklase mo, oh kea yung libro. Eh di nakatipid pa sa oras, effort at….basta, feeling ko mas tipid yun. Pero hindi ganun ang requirement sa highschool. Dapat, kompleto ka sa notes..pakapalan kayo ng kaklase mo ng nagamit na papel at paramihan ng notes. Pero, hindi ako sumasali sa contest nila at hindi rin ako qualified dahil bihirang bihira akong magsulat sa notebook. Madalas, natatapos ang taon na nasa 15 pages lang ang nagagamit ko at karamihan pa dun eh mga drawing na wala ding katuturan.
At iyan ang pinakamalaki kong problema nung highschool. Ok naman ako sa recitation at quizzes pero lagpak ako sa mga written output tulad ng lecture.
Palagi kasi akong last minute kung humabol. 1 araw bago ang pasahan ng notebook, nanghihiram ako sa classmate ko na masipag magsulat at sa kanya na lang ako kokopya. Oh kea, ipapaxerox ko yung notes niya at dun nalang ako magrereview. Nagawa ko na nga din palang magbayad ng 30 pesos para magpasulat dahil hindi ko na kinaya ang overnight na paghahabol sa 10 chapter.
Moral lesson?
Magsulat tayo sa tamang oras.. sa tamang panahon.
Parang pagsasalita lang din.
Oo nga pala, gusto kong ipaabot sa mga taong ito ang taos puso kong pasasalamat:
Kay Leyn sa palaging pagpapahiram niya ng notebook.
At kay Lovely Flores(sa kanya ako nagpasulat).
hehe„,
At mabuti nalang, naimbento ang computer at printer. Ngayon, mas madali magtranslate ng thoughts into printed form. Ayun lang. Nakakatuwa ding mag blog. Naisip ko ding mag blog na may isang theme lang pero mahirap eh..
At dami ko kasing naiisip na i discuss. kea sa blog na to’..halo-halo..hehe..
Saka pala ngayon. naisip ko na magsulat ulit.
0 comments:
Post a Comment