Pages

Pakiramdam ko hihimatayin ako bago makasagot..hahah,,but it turned out well.:)
I believe, programming is a SKILL. A skill as we know, is something anyone cannot borrow. We possesed it deep within. It is not developed in a day or two. It is an osmosis - a gradual unconsious absorption of knowledge. I think that’s the reason why we have to spend 2years, 4years in school. To develop our potentials and skills. Kung di un madedevelop then I think useless lang ung years that we spent doing homeworks, research, programs and defense. 


I wouldn’t say na magaling akong programmer, not yet. But in the future I hope I will be. Siguro masasbi ko yun kapag nakagawa ako ng isang program na bug free, secured and user-friendly. Yung tipong magbebenefit ng maraming tao pero hindi naman kalolokohan ng mga estudyante tulad ng Facebook at Tumblr..hehe..wag sanang magalit sakin si Papa David Karp at ang ex kong si Mark Zuckerberg.
4 yrs ago…..
Tahimik na nagsusulat ang lahat ng kaklase ko ng lecture sa mga notebook nila habang nakatingin ako sa labas ng bintana at nananaginip  ng gising. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang mag lecture sa notebook kung pwede mo namang ipa photo copy nalang yung notes ng kaklase mo, oh kea yung libro. Eh di nakatipid pa sa oras, effort at….basta, feeling ko mas tipid yun. Pero hindi ganun ang requirement sa highschool. Dapat, kompleto ka sa notes..pakapalan kayo ng kaklase mo ng nagamit na papel at paramihan ng notes. Pero, hindi ako sumasali sa contest nila at hindi rin ako qualified dahil bihirang bihira akong magsulat sa notebook. Madalas, natatapos ang taon na nasa 15 pages lang ang nagagamit ko at karamihan pa dun eh mga drawing na wala ding katuturan.
At iyan ang pinakamalaki kong problema nung highschool. Ok naman ako sa recitation at quizzes pero lagpak ako sa mga written output tulad ng lecture.
Palagi kasi akong last minute kung humabol. 1 araw bago ang pasahan ng notebook, nanghihiram ako sa classmate ko na masipag magsulat at sa kanya na lang ako kokopya. Oh kea, ipapaxerox ko yung notes niya at dun nalang ako magrereview. Nagawa ko na nga din palang magbayad ng 30 pesos para magpasulat dahil hindi ko na kinaya ang overnight na paghahabol sa 10 chapter.
Moral lesson?
Magsulat tayo sa tamang oras.. sa tamang panahon.
Parang pagsasalita lang din.
Oo nga pala, gusto kong ipaabot sa mga taong ito ang taos puso kong pasasalamat:
Kay Leyn sa palaging pagpapahiram niya ng notebook.
At kay Lovely Flores(sa kanya ako nagpasulat).
hehe„,
At mabuti nalang, naimbento ang computer at printer. Ngayon, mas madali magtranslate ng thoughts into printed form. Ayun lang. Nakakatuwa ding mag blog. Naisip ko ding mag blog na may isang theme lang pero mahirap eh..
At dami ko kasing naiisip na i discuss. kea sa blog na to’..halo-halo..hehe..
Saka pala ngayon. naisip ko na magsulat ulit.
May mga ala-alang sa tuwing kinakalabit ang ating mga gunita ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam na unti-unting pumupunit ng ngiti sa ating mga labi. Mga ala-alang pinapaikot pabalik ang orasan kasabay ng pagbabalik ng pakiramdam…
Ang lungkot, takot at kasiyahan sa ating nakaraan.
Dalawang taon na ako sa kolehiyo pero sa tuwing naaalala ko ang mga naging karanasan ko nung highschool, pakiramdam ko parang kanina lang nangyari ang lahat.
Naaalala ko pa rin kung gaano kalakas ang tawanan ng barkada, ang sigawan tuwing nawawalan ng pasok o macu-cut ang klase, at ang pagdiriwang sa buong classroom kapag wala ang teacher.
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang magkahalong takot at excitement nanag minsang sumama ako sa kaklase ko na mag-cutting.
Ang puspusang pagrereview sa subject ng terror naming teacher at pagkokopyahan sa subject nang teacher naming hindi naman nagtuturo. Ang kantyawan ng “blowout” sa tuwing may nag be-birthday, ang makabasag eardrum at makapunit vocal chords na tiliian sa tuwing intramurals at intersection.
Ang pagpapractice ng sayaw, role playing,paggawa ng project, assignment at research. Ang kaba kapag nag-rereport,pagpa-praktis sa speech choir, pagpapakahirap sa algebra, physics, substitution, di at tri hybrid, sa pagkakabisa, paglilinis ng room kapag may evaluation, sa paulit-ulit na paggawa kapag na-reject ang pinasang project at kahit sa paglilinis ng PAYATAS na katabi ng room namin.(ang malas noh?)
Sa paggawa ng imbentong sukat ng project plan hanggang sa dakdakan to the max kapag boring magturo ang teacher, pati sa pagtakas sa paglilinis, pagte-team teaching, kopyahan ng ipapasang suring basa, assignment, suring aklat at suring pelikula.
At kahit halos araw-araw kaming napapaguidance, sabay-sabay pa din naman kaming naka-graduate:)
P.S..Hindi ako umiyak nung grad. ah..kayo lang.haha!!
Matagal ko nang alam na may thesis na sa batch namin ng IT, pero kahit alam ko naman na dapat matagal ko na yung pinag-iisipan, eh wala pa din akong ginawa. Ayon nga sa kasabihan eh..”I will cross the bridge when I get there”.
Officially, kahapon ay nasa tapat na ako ng bridge.
And wala pa kong maisip na topic. Yung mga classmates ko, pupunta na sila ng National Lib to do some research. But I decided to do mine, the GOOGLE way.:)
I still don’t have any idea, or topic so I guess mas mahirap kung haharap ako sa libo-libong libro at mga thesis sa national library. Baka lalo lang akong maligaw.Pero sa totoo lang, ang gusto ko talagang gawin eh.. CRIMINAL PROFILE SYSTEM.
I’m a huge fan of NCIS: Los Angeles and CSI and I have this dream of becoming an FBI Agent..hehehe..
Pero I’m not sure if its feasible, possible at kung papayag yung partner ko. Atleast, I’m planning to do something I’m really interested in. And I think, just incase, it will be a good start..
Simula na ng sleepless nights..ihanda na ang kape:)