May mga ala-alang sa tuwing kinakalabit ang ating mga gunita ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam na unti-unting pumupunit ng ngiti sa ating mga labi. Mga ala-alang pinapaikot pabalik ang orasan kasabay ng pagbabalik ng pakiramdam…Ang lungkot, takot at kasiyahan sa ating nakaraan.
Dalawang taon na ako sa kolehiyo pero sa tuwing naaalala ko ang mga naging karanasan ko nung highschool, pakiramdam ko parang kanina lang nangyari ang lahat.
Naaalala ko pa rin kung gaano kalakas ang tawanan ng barkada, ang sigawan tuwing nawawalan ng pasok o macu-cut ang klase, at ang pagdiriwang sa buong classroom kapag wala ang teacher.
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang magkahalong takot at excitement nanag minsang sumama ako sa kaklase ko na mag-cutting.
Ang puspusang pagrereview sa subject ng terror naming teacher at pagkokopyahan sa subject nang teacher naming hindi naman nagtuturo. Ang kantyawan ng “blowout” sa tuwing may nag be-birthday, ang makabasag eardrum at makapunit vocal chords na tiliian sa tuwing intramurals at intersection.
Ang pagpapractice ng sayaw, role playing,paggawa ng project, assignment at research. Ang kaba kapag nag-rereport,pagpa-praktis sa speech choir, pagpapakahirap sa algebra, physics, substitution, di at tri hybrid, sa pagkakabisa, paglilinis ng room kapag may evaluation, sa paulit-ulit na paggawa kapag na-reject ang pinasang project at kahit sa paglilinis ng PAYATAS na katabi ng room namin.(ang malas noh?)
Sa paggawa ng imbentong sukat ng project plan hanggang sa dakdakan to the max kapag boring magturo ang teacher, pati sa pagtakas sa paglilinis, pagte-team teaching, kopyahan ng ipapasang suring basa, assignment, suring aklat at suring pelikula.
At kahit halos araw-araw kaming napapaguidance, sabay-sabay pa din naman kaming naka-graduate:)
P.S..Hindi ako umiyak nung grad. ah..kayo lang.haha!!
0 comments:
Post a Comment